Thursday, January 6, 2011

SAY IT AGAIN--11.0

Masaya ang lahat nang magkita kita sa tambayan ng University. Apat na linggo na din ang nakakalipas at hindi naman maikakaila na naging malapit muli sina Sam at Devon. Dahil na din sila ang bagong magkapareha sa kanilang P.E. class kaya nagkaroon sila ng pagkakataon to catch some things up. Ngunit napagdesisyunan ni Devon na magstay na lang muna sila as a friends, hindi naman nawalan ng pag-asa si Sam dahil handa itong mag-hintay samantala si James ay malapit ng makatiyempo ng pagkakataon na magtapat ng kanyang tunay na nararamdaman.

Devon: Mukhang uulan ah? **sabay tingin sa langit**

Fretzie: ay oo nga! What a bad day!

Bret: grabe, kanina ang init lang ah?

Sam: oo nga. Pabago-bago ang weather.

James: *ubo* *ubo* *ubo*

Ivan: dude! Oks ka lang?

James: oks? **nagtatakang sagot ni James kay Ivan**

Devon: teka nga! Ang putla mo ah? **hinawakan ang noo ni James** ang init mo DD!

Sam: better to go to clinic bro?

Devon: tama ka Bogs! Halika na DD, samahan na kita!

James: wow naman. So caring MM ha?

Sam: you better go James, ayaw mo nun? We’re all concern. You’re so lucky to have US.

James: not really.

Devon: ay naku! Halika na nga DD! **sabay higit nito sa bestfriend nya papuntang school clinic**

Tinamaan ng lagnat si James dahil sa pabago-bago ng panahon, hindi naman ito malala kaya tanging pag-inom lang ng gamot at pagpapahinga ang advise ng school doctor. Hindi naman mapanatag si Devon kaya sinamahan niya itong umuwi dahil alam niya na day off ng katulong nila James at nasa business trip naman ang magulang.

James: MM! why you’re still here?

Devon: ayaw mo ha? sige! Dyan ka na! **kinuha ang thermometer at tinignan ito)

James: arte! (pang-aasar nito)

Devon: sus! Teka nga DD! You’re very hot!

James: ofcourse I am! Hot and sexy! right?

Devon: I’m not in the mood to play DD. Magpalit ka na ng damit kung ayaw mong ako maghubad sayo!

James: really? **naughty smile**

Devon: ay naku! Iiwanan kita! **pinagdilatan niya ng mata**

James: ok ok **sabay ngiti nito at pasok sa cr**

Pagkatapos magbihis..

Devon: rest ka na. **nilagyan si James ng ice bag sa ulo at pinainom ng gamot**

James: I will rest but how about you?

Devon: may sakit ba ako ha? I’ll stay here. Manang can’t make it, bukas pa daw ang balik nya dito pati nagpaalam na ako kay Mama. Kaya magpahinga ka na DD!

James: stay here? Promise?

Devon: ay ang kulet? Sige na, I’ll wake you up na lang later to take your med.

James: ok. See yah later **pinikit ang mata na may ngiti sa labi**

Dahil walang damit na pampalit si Devon, boxer shorts at Tshirt na lang ni James ang sinuot niya. At dahil wala din siyang magawa, dinalaw na din siya ng antok. Pinili niyang matulog sa couch sa room ni james, pero hindi ito komportable kaya tumabi na lang ito sa binata.

James: you’re so simple yet so beautiful.. you bloom every single day, you’re like an angel… **his thought said while touching Devon’s face**

Devon: huh?! **nagising bigla ng may naramdaman na kakaiba na saktong alis naman ng kamay ni James**

James: uhm.. ah.. I think it’s my time to take my med?

Devon: ayyy! Sorry! Wait ha? order na lang din ako ng food.

James: I’m not hungry.

Devon: kahit fruits na lang DD. Kumain ka muna bago uminom ng gamot. Ok?

James: ok. By the way, I like the Way you look tonighT **smile sweetly**

Devon: sorry ha? hindi na ako nakapagpaalam sa damit mo..

James: Nah. I like it! No problem! *thumbs up**

Lumalalim na ang gabi ngunit hindi pa din nawawala ang lagnat ni James pero pasalamat na din dahil humuhupa na ang init nito sa katawan.

Devon: nakakaantok, busog na busog ako (habang umupo sa kama)

James: takaw! (nanginginig)

Devon: hindi noh! Gutom lang, teka? Giniginaw ka?

Agad naman kumuha si Devon ng mas makapal na kumot at binabaan ang cool temperature ng aircon.

Devon: ayan! Much better?

James: *hindi masagot dahil nanginginig pa din sa ginaw*

Devon: aynaku naman! Paano ba to? Gawin ko kaya ang ginagawa sa movies? **bulong nito sa sarili**

Upang mainitan ang katawan ni James, ginawa ni Devon ang ginawa ni Jacob Black sa napanood niyang Eclipse Twilight Saga. Nagulat naman si James sa ginawang pagyakap ni Devon pero mas nanaig sa kanya ang kasiyahan sa mga pagkakataon na yun. Ang pakiramdam ng binata ay unti unting bumubuti dahil sa mga yakap na binigay ng dalagang minamahal niya.

James: tighter please? (humarap na din kay Devon at niyakap)

Devon: grabe ka! Ayan! (niyakap naman niya ng sobrang higpit)

Sa tagpong iyon, tila iba na din ang nararamdaman ni Devon. Hindi niya alam kung bakit pero ang tanging nadadama niya ngayon ay kasiyahan.

James: I wish we’ll stay like this Forever **bulong nit kay Devon**

Devon: ha? **nagbingi bingihan kahit dinig na dinig ang sinabi ng binata**

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang nakatulog na ang mga ito. Pareho silang masaya sa yakap ng isa’t isa.

Pages