Wednesday, December 15, 2010

SAY IT AGAIN -- 5.0

Hindi makuhang matulog ni Devon dahil sa mga naganap kanina. Umuwi sya at hindi na umattend ng last period sa klase pagkatapos makita si Sam sa school.

Devon: AHHHHH! ***sigaw ni Devon upang gumaan ang pakiramdam***

Devon: bakit ba ako nagkakaganito? Past is past! My god Devon Sembrano maawa ka sa sarili mo, iniwan ka na nga ng tao! Pero bakit sya bumalik?

Hindi namalayan ni Devon na lumuluha na pala sya, napatayo sya at kinuha ang kahon mula sa cabinet. Naglalaman iyon ng mga remembrance nila ni Sam, kasama din doon ang Journal notebook na puro tula, pictures at love letter ang laman, ang kwintas na may naka-emboss na “BOGS”, mga bulaklak na tuyo, chocolate wrappers at kahit ang mga movie tickets ay nakuhang itago ni Devon.  Naalala nya tuloy ang mga panahon na pinagsamahan nila ni Sam ngunit ang masakit ay ang maalala kung paano nya ito iniwan na lumuluha.

3 years ago…

Sam: ang saya Bogs makaka-graduate na tayo! Engineering tayo ha?

Devon: oo naman! Basta kasama kita ***sabay ngiti nito sa katabi***

Sam: ***nanahimik muna at tila nag-iba ng mood*** Bogs?

Devon: oh? Bakit? Kinakabahan naman ako sayo? ***sabay hampas at tawa nito***

Sam: Let’s be serious this time. Kaya naman natin ang long distance relationship diba? We love each other so much kaya feeling ko we can do it. ***kinuha ang kamay ni Devon at tinignan sa mata***

Devon: aalis ka pa din ba? Paano na ko? Paano tayo? ***sambit nito na hindi mapigilan ang lumuha***

Sam: 5 years lang yun Bogs compare sa lifetime na pagsasamahan natin? Basta no boys allowed ha?! Acquaintance lang, no Friends! Ok?

Devon: ang OA mo! ***napangiti na at binigyan ng hampas uli ang boyfriend***

Sam: yan ang mamimiss ko! haaay ***sabay yakap nito kay Devon***

Kasama ng pamilya ni Sam sina Devon at ang mama nito nang icelebrate ang graduation. Lumipad sina Sam sa US upang doon mag-aral habang si Devon ay sa Gems University. Ang unang taon ay naging maayos sa dalawa, buti na lang at may cellphone, Skype at FaceBook na ngayon dahil doon nila nagawang magcommunicate. Tinupad ni Devon ang promise nya kay Sam na hindi makikipag-kaibigan sa mga lalake kaya’t si Fretzie lang ang laging kasama nito sa school. Ngunit sa mga sumunod na araw at buwan, wala na syang natatanggap na message mula kay Sam, hindi na din ito tumatawag at hindi na din nag-oonline s Skype. Bigla na lang nya nakita sa Facebook ang mga tagged photos nya na may kahalikan kasama ang isang babae, parang gumuho ang mundo ni Devon at nawalan ng ganang mabuhay.

Pagkatapos noon ay hindi na sya nag-skype, nagpalit na din sya ng number and she blocked Sam sa Facebook. Nagpapasalamat din sya dahil nandyan si Fretzie upang damayan, nakuha na din nyang makipag-kaibigan sa mga lalaki. At doon nya nakilala ang boyfriend ni Fretzie na si Bret, si Ivan na lagi nyang Lab partner kaya ang tawag sa kanila ng mga kaklase ay “LABers” at ang kanyang bestfriend na si James. Naging magbestfriend sila simula ng lumipat si James sa university at dahil sa pagkasuplado nito ay naging mailap ang mga estudyante na makipagkaibigan except kay Devon na nakuha ang loob nito agad. Natapos ang pag-alala nya nang biglang may nagtext dito…

Text Convo…

James: MM, u ddn’t attend our last priod? and u ddn’t even try to say gdbye knina? :(

Devon: Sorry DD. Thank u!

James: huh? Weirdo! 4 what?

Devon: Bsta. Thank u! I love u my BFF :)

James: I LOVE U MORE :) you btter  sleep n. gdnight! Mwwwwaaaa :D

Devon: I will.hahahaha .gudnyt DD!!!!!! tsup :p see u tom!

End…

James: I mean those words MM, I love you. ***sabay pikit nito at natulog***

Devon: thank you DD, pinapagaan mo loob ko talaga. Tomorrow is the day, I’m stronger now. Kaya ko na siguro syang pakiharapan.

Nakatulog na din si Devon, nawala ang pangamba nya dahil alam nyang nandyan lang ang kanyang bestfriend kahit anong mangyari.

No comments:

Post a Comment

Pages